Pinsalang iniwan ng bagyong Hanna sa sektor ng agrikultura, umabot na sa P9-M

Umabot na sa higit siyam na milyong piso ang idinulot na pinsala ng bagyong Hanna sa sektor ng agrikultura.

Ayon sa Department of Agriculture (DA), pinaka-apektado ang 600 ektaryang palayan at higit 500 magsasaka sa Central Luzon.

Nasira naman sa higit 55,000 pisong halaga ang livestock at poultry.


Pinapayuhan ang mga mangingisda at magsasaka na sumadya sa operations center ng ahensya o tumawag sa 273-2467 at 929-0140.

Facebook Comments