Kinumpirma ng Department of Energy (DOE) na umakyat na sa 25.3 milyong piso ang pinsalang iniwan ng Bagyong Karding sa electric cooperatives.
Ito ay mula sa 12 electric cooperatives sa mga lugar na dinaanan ng super typhoon.
Nilinaw naman ng DOE na agad na naibalik sa normal ang operasyon ng 42 electric cooperatives.
Habang 9 naman na kooperatiba ang naka-partial power interruption at hindi pa tuluyan naisasaayos.
Sa report naman ng National Electrification Administration, 573 mula sa 606 na mga bayan na naapektuhan ng bagyong Karding ang fully energized o 94.55%.
Facebook Comments