Nadagdagapan pa ang halaga ng pinsalang iniwan ng nagdaang Bagyong Kristine at Leon sa bansa.
Sa datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), ₱5.3 billion ang naitalang pinsala sa sektor ng agrikultura kung saan ang Bicol Region ang nakapagtala ng pinakamalaking pinsala na umaabot sa halos ₱3 bilyon.
Nasa 124,197 mga mangingisda at magsasaka naman ang apektado ang kabuhayan.
Samantala, ₱8.4 bilyon ang iniwang pinsala ng nagdaang mga bagyo sa imprastraktura.
Ang Bicol Region din ang nakapagtala ng pinakamalaking halaga ng pinsala na sinundan ng Central Luzon at CALABARZON.
Sa datos pa ng NDRRMC, mahigit 200,000 mga kabahayan ang nasira ng bagyo.
Sa nasabing bilang 187,129 ang partially damaged na mga kabahayan habang 33,993 ang totally damaged.
Sa ngayon, tuloy-tuloy ang pagbibigay ng ayuda ng pamahalaan habang pinaghahandaan din ang posibleng epekto ng Bagyong Marce.