Pinsalang iniwan ng Bagyong Maring sa sektor ng agrikultura, umabot na sa halos isang bilyon

Umabot na sa halos isang bilyong piso ang halaga ng pinsalang iniwan ng Bagyong Maring sa agrikultura.

Batay sa Department of Agriculture (DA), nasa P979.97 milyon ang napinsala sa Cordillera Administrative Region, Ilocos Region, Cagayan Valley, Central Luzon, Bicol Region, Western Visayas at Central Visayas.

Habang 35,429 magsasaka at mangingisda ang naapektuhan sa pananalasa ng bagyo.


Dahil dito, naglaan ang DA ng P822 milyon para tulungan ang mga apektadong magsasaka at mangingisda.

Nabatid na kada magsasaka at mangingisda ay maaaring makautang ng P20,000 nang walang interes, collateral at maaari nila itong bayaran hanggang sampung taon.

Facebook Comments