Pumalo pa sa mahigit P5.6B ang halaga ng pinsala sa imprastraktura sa ilang rehiyon sa bansa na matinding hinagupit ng nagdaang Bagyong Paeng.
Sa datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) pinakamalaking nagtamo ng pinsala sa imprastraktura ang CALABARZON na umabot sa higit P1.5-B.
Nakapagtala rin ang NDRRMC ng iba pang damaged assets tulad ng furniture, educational materials, electronics, fishing boats at mga sasakyan, handwashing facilities na nasa P1-M ang halaga.
Samantala, sa irigasyon naman ay naitala ng NDRRMC ang P101-M na halaga ng pinsala.
Habang sa sektor ng agrikultura sumampa na sa P6.3-B ang halaga ng pinsala ang iniwan nang nagdaang Bagyong Paeng.
Sa ngayon, tuloy-tuloy ang pagbibigay ng ayuda ng pamahalaam sa mga nasalanta ng bagyo.