Pinsalang iniwan ng Habagat na pinalakas ng Bagyong Fabian sa agrikultura, umabot na sa P285 million

Umabot na sa ₱285.73 million ang naiwang pinsala ng Hanging Habagat na pinalakas ng Bagyong Fabian sa sektor ng agrikultura.

Sa datos ng Department of Agriculture (DA), naitala ang pinsala sa kabuoang 16,336 hectares ng agricultural areas sa Cordillera Administrative Region (CAR), Ilocos Region, Central Luzon, Calabarzon, MIMAROPA, Bicol Region, at Western Visayas..

Nasa 11,898 na magsasaka ang apektado.


Aabot sa 5,113 metric tons ng ani ang nawala, kabilang ang bigas, mais, ilang high value cops at livestock.

Pero aabot sa ₱227.95 millionna halaga ng agricultural produce ang nailigtas dahil sa maagang paggapas.

Nasa 121,119 bags ng rice seeds, 14,832 bags ng corn seeds, at 2,199 kilos ng assorted na gulay ang naka-prepositiones para tulungan ang mga apektadong magsasaka sa CAR, Regions 1, 2, 3, 4A, at 4B.

Binigyan din ng access ang mga magsasaka at mangingisda sa Quick Response Fund para sa rehabilitasyon ng mga apektadong lugar.

Facebook Comments