Pinsalang maiiwan ng El Niño sa produksyon ng palay, mais posibleng umabot sa ₱100-M

Inaasahang aabot sa P100-milyong halaga ng produksyon ng palay at mais ang malulugi ngayon dahil sa El Niño.

Ayon kay Department of Agriculture Field Program Operational Planning Chief Christopher Morales, umabot na sa 10,000 metric tons ng mais at palay ang nasira dahil sa matinding tagtuyot.

Kabilang aniya sa malubhang mga apektado ang mga magsasaka mula Cotabato, Occidental Mindoro, Zamboanga Peninsula, Maguindanao, Misamis Occidental at Davao del Sur.


Paliwanag ni Morales, hindi nagkulang ang kagawaran sa pagbibigay ng tulong sa mga apektadong magsasaka.

Nobyembre pa lang aniya noong nakaraang taon nang ilatag ng DA ang pagbuo sa task force na magbabantay at tututok sa sitwasyon ng mga lugar na maaapektuhan ng tagtuyot.

At hanggang ngayon, nagpapatuloy aniya ang monitoring ng DA sa mga lalawigan na labis na apektado ng dry spell at drought.

Facebook Comments