MALASIQUI, PANGASINAN – Tinatayang aabot na sa 263.7 milyon ang naiwang pinsala ng nagdaang Bagyong Maring sa sektor pa lamang ng agrikultura sa buong lalawigan ng Pangasinan.
Ayon sa pinakahuling consolidated report ng PDRRMO, ang naitalang pinsala sa sakahan na dahil sa pag apaw ng ilog at pagbaha sa ilang lugar sa Pangasinan dahil sa naranasang walang tigil na pag uulan.
Kaugnay nito, aabot sa 21 hectares ng mga sakahan ang lumubog sa tubig baha kung saan ay tanim na palay ng mga magsasaka ang pinaka apektado na umabot sa 110.09 milyong piso ang danyos.
Naitala rin ang 53. 5 milyong piso ang naitalang pinsala sa high value crops, 15.6 milyong piso sa iba pang pananim at 83.7 naman sa sektor ng pangisdaan.
Sinabi naman si Provincial Assistant Agriculturist Nestor Battala, ang mga apektadong magsasaka at mangingisda ay makakatanggap ng ayuda mula sa Department of Agriculture at sa Provincial Government.
Kinakailangan lamang umanong magsumite ng kanilang report sa kani kanilang Agriculture Office sa bawat LGUs at bukod pa rito ay mabibigyan din sila ng certified palay seeds na pwedeng magamit sa dry season.
Ang mga mangingisda naman ay bibigyan ng fingerlings bilang kanilang panimula.###