Pinsan ng napatay na Abu Sayyaf Group leader at ISIS Emir South East Asia Isnilon Hapilon, sumuko sa militar

Manila, Philippines – Tatlong miyembro ng Abu Sayyaf Group kabilang ang pinsan ni Abu Sayyaf Group leader at ISIS Emir South East Asia Isnilon Hapilon ang sumuko sa militar sa Barangay Macalang Al-barka, Basilan kahapon.

Ayon kay AFP Task force Basilan Commander Colonel Juvymax Uy, alas-4:00 ng hapon kahapon ng kusang loob na sumuko sa tropa ng 74th Infantry Battalion ng 2nd Infantry Division ng Philippine Army ang tatlong bandido

Kinilala ang mga ito na sina Ben Salina Sapilin alyas Ben na pinsan ni Isnilon Hapilon, habang ang dalawa pa ay kinilalang sina Rami Ben Sapilin alyas Attik, at Muhamad Endeng alyas Abu Rayhad.


Isinuko rin ng mga ito ang kanilang isang M16 Rifle, isang M79 grenade launchers at isang Cal. 30 M1 Garand.

Kaugnay nito hinihikayat naman ni Col Uy ang mga natitirang miyembro ng Abu Sayyaf group na magbalik-loob na sa pamahalaan at makiisa sa paghangad na matagalang pangkapayapaan.

Facebook Comments