Pinto at bintana ng mga silid-aralan, pinalalagyan ng screen ng isang senador pangontra sa dengue

Kinalampag ni Senate President pro-tempore Ralph Recto ang Department of Education o DepEd para protektahan laban sa dengue ang mga mag-aaral.

Pangunahing mungkahi ni Recto na isama sa plano ng mga itatayong paaralan ang paglalagay ng screen sa mga pinto at bintana ng mga classrooms.

Ayon kay Recto, paraan ito para hindi makapasok sa mga silid-aralan ang mga lamok na pinagmumulan ng dengue.


Pinapalaanan naman ni Recto sa DepEd at iba pang stakeholders ng pondo pambili ng screen ang mga classrooms na hindi pa nito nakakabitan.

Sa pagkakaalam ni Recto, karamihan sa mga dinadapuan ng dengue ay mga estudyante.

Ang mungkahi ni recto ay makaraang magdeklara ang department of health ng national dengue alert.

Facebook Comments