Pintor, Arestado sa Kasong Paulit-ulit na Panggagahasa

61

Cauayan City, Isabela- Hawak na ng mga otoridad ang itinuturing na Top 8 most wanted person sa buong Lambak ng Cagayan matapos madakip sa Lower Sampalukan, Himlayan Road, Pasong Tamo, Quezon City.

Inaresto sa bisa ng warrant of arrest ang akusado na kinilalang si Albert Allam, 29 taong gulang, may asawa, pintor at residente ng Barangay Namabbalan Sur, Tuguegarao City, Cagayan.


Isinilbi ang mandamiento de aresto na inisyu ng korte laban kay Allam para sa kasong 3 beses na Statutory rape.

Walang inilaang piyansa ang korte sa akusado para sa kanyang pansamantalang Kalayaan.

Ibiniyahe na sa Tuguegarao City si Allam para sa tamang disposisyon.

Facebook Comments