Pintor, Arestado sa Pagbebenta ng Droga!

*Cauayan City, Isabela- *Arestado ang isang pintor matapos itong mahuli sa isinagawang drug buybust operation ng mga otoridad sa Barangay Andres Bonifacio, Diffun, Quirino.

Kinilala ang suspek na si Salahiden Bantasan, 36-anyos, may-asawa at resident ng Brgy. Andres Bonifacio, Diffun, Quirino.

Sa isinagawang buybust operation nfg mga otoridad ay nakuha sa pag-iingat ni Bantasan ang isang pakete ng pinaniwalaang shabu, marked money na ginamit ng poseur buyer, cellphone at lighter.


Agad na sinampahan ng kaso ang suspek na may kinalaman sa section 5 and 11 ArticIe of R.A 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Facebook Comments