Pintor at Isang Tsuper, Timbog sa Pagtutulak ng Droga!

55

*San Mateo, Isabela- *Bagsak sa kulungan ang dalawang kalalakihan matapos matiklo sa ikinasang Drug Buy Bust Operation ng mga otoridad kahapon sa Brgy Dagupan, San Mateo, Isabela.

Kinilala ang mga naarestong suspek na sina Mark Anthony Tuliao, 27 anyos, binata, tricycle driver, residente ng Banigan St. Dist.1, Cauayan City, at si Reynaldo Guzman, 36 anyos, isang pintor, residente naman ng Canciller Avenue, Cauayan City, Isabela.

Sa panayam ng RMN Cauayan kay PCI Jeffrey Raposas, hepe ng PNP San Mateo, mismong ang ka-transaksyon ng mga dumayong suspek ang nagsumbong sa kanilang himpilan kaya’t nagkasa ng operasyon ang mga otoridad na nagresulta sa kanilang pagkakadakip.

Nakuha naman sa dalawang suspek ang sampung piraso ng folded paper na naglalaman ng mga tuyong dahon ng marijuana at ang limang daang pisong buy bust money.

Nasa kustodiya na ng PNP San Mateo ang dalawang suspek at nakatakdang isampa ngayong araw ang kanyang kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act.

Samantala, mahigpit namang pinaalalahanan ni PCI Raposas ang mga motorista na pag-ibayuhin ang pag-iingat sa pagmamaneho upang maiwasan ang anumang aksidente.

Facebook Comments