Pintor na Tulak ng Droga, Arestado sa Buy Bust Operation!

*Gamu, Isabela- *Timbog ang isang pintor sa inilatag na drug buy bust operation ng mga otoridad bandang 2:35 ng hapon sa Brgy Bantug Roxas, Isabela.

Kinilala ang suspek na si Jomarie Sy, 22 anyos, may-asawa, at residente ng Diego Silang St., Brgy Bantug, Roxas, Isabela.

Nagpositibo ang transaksyon ng mga otoridad kung saan nakuha mula kay Sy ang tatlong sachet ng hinihinalang shabu, P9,000.00 na boodle money, mga nagamit na foil, lighter at dalawang cellphone.


Dinala na sa Roxas Police Station ang suspek at mga nakumpiskang item para sa karagdagang dokumentasyon.

Inihahanda na ng PNP ang kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act na isasampa laban kay Jomarie Sy.

Facebook Comments