PINTOR SA ROSALES, PANGASINAN, ARESTADO, MATAPOS MAHULIAN NG PHP 350K NA SHABU AT BARIL

Nahuli ng mga awtoridad ang isang 43-Anyos na pintor sa isinagawang buy-bust operation sa Barangay Zone IV, Rosales, Pangasinan.

Nasamsam mula sa suspek ang 52.12 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng PHP 354,416 at isang improvised .22 caliber na may kasamang mga bala.

Ang operasyon ay isinagawa ng Rosales MPS at PDEA Region 1 bilang bahagi ng patuloy na kampanya laban sa ilegal na droga at armas.

Ang suspek ay kasalukuyang nasa kustodiya ng pulisya at haharap sa kasong ilegal na droga at armas. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments