Nahaharap na sa kaukulang kaso ang isang trentay sais anyos na pintor matapos magpositibo ang ikinasang Search Warrant Implementation sa tahanan nito sa bayan ng Sta Maria.
Ang suspek ay nakilalang si Manuel Niones residente ng Barangay San Pablo sa nasabing bayan.
Ikinasa ang Search Warrant sa tahanan nito pasado alas kwatro ng Madaling araw na nagresulta sa pagkakakumpiska ng mga sumusunod:, apat na sachet ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng mahigit anim na libong piso , pitong sachet na may mga shabu residue at ilang mga illegal drugs paraphernalia.
Samantala dinala na sa himpilan ng PNP ang suspek at inihahanda na ang kasong isasampa laban dito. |ifmnews
Facebook Comments