Pintor, Timbog sa kasong 2 counts ng Panggagahasa

87

Cauayan City, Isabela-Arestado ang pintor na Top 8 Most Wanted Person (MWP) sa lungsod ng Ilagan sa ilalim ng COPLAN ‘KUSEH’ ngayong araw.

Kinilala ang akusado na si Jose Quilang, 55-anyos, may-asawa at residente ng Brgy. Centro Antonio, City of Ilagan, Isabela.

Naaresto ang si Quilang sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Rodolfo Dizon ng RTC Br. 18 2nd Judicial Region Ilagan City para sa 2 counts ng kasong Rape with Sexual Assault.


Inirekomenda naman ng korte ang pansamantalang kalayaan nito kung makakapaglagak ng piyansang nagkakahalaga ng P200,000.

Nabatid na nadakip ang akusado sa isang checkpoint sa Brgy. Alibagu.

Sa ngayon ay nasa kustodiya ng pulisya ang akusado para sa kaukulang disposisyon.



Facebook Comments