PINUKPOK NG KAHOY | Nawawalang lolo, bangkay na nang natagpuan sa isang creek sa Laguna

Calamba, Laguna – Isang senior citizen ang nadiskubreng ibinaon sa tabi ng creek sa Barangay Halang, Calamba, Laguna.

Kinilala itong si Marciana Del Mundo, 61-anyos, na natagpuang nakabalot sa kumot.

Ayon kay Legaspi Del Mundo, panganay na anak ng biktima, linggo pa ng mawala ang kanilang ina.


Nahuli naman ang kinakasama nitong si Simeon Amoranto, 44-anyos, na umamin sa krimen kung saan pinukpok niya ng kahoy sa ulo ang biktima.

Facebook Comments