Manila, Philippines – Kinastigo rin ng Commission on Human Rights ang ipinakitang asal sa airport ni Cong. John III Bertiz na nag viral sa social media.
Ayon kay CHR spokesperson Atty. Jacqueline de Guia, bilang kinatawan ng partylist group na ACTS-OFW, dapat manguna si Betriz sa pagiging huwaran ng pagsunod sa security procedures na itinatakda para sa mga pasahero sa NAIA.
Bilang isang nagseserbisyo publiko, inaasahan na magpakita ang kongresista ng pagsunod sa Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees sa ilalim ng RA 6713
Sabi pa ni de Guia na ang pagtanggi ni Betriz na magtanggal ng sapatos ay naglagay sa balag ng alanganin sa kaligtasan ng publiko.
Hindi rin pinalampas ni de Guia ang paggamit ng kongresista sa monthly period ng kababaihan.
Dapat aniyang akuin ni Betriz ang responsibilidad nang hindi na kailangang magtago sa tinatawag na sexist stereotypes.
sa ginawa aniya ni Betriz ay mas titindi ang pang aabuso sa kababaihan sa lipunan.