PINUNA | Commemorative coins ng nakatakdang pag-uusap nina US President Trump at North Korean Leader Kim Jong-Un – binatikos

Washington, DC – Binatikos ngayon ang inilabas na commemorative coins ng nakatakdang pag-uusap nina US President Donald Trump at North Korea leader Kim Jong-Un.

Ang coin ay ginawa ng mga miyembro ng White House Military Unit kung saan makikita dito na magkaharap ang dalawang lider at may nakasulat na peace talks.

Ilan sa mga batikos ay ang pagtawag sa lider ng North Korea bilang “supreme leader” na nakasulat sa coin.


Nilinaw naman ng White House Communications Agency na ginawa ito na hindi aprubado ng White House.

Facebook Comments