Manila, Philippines – Pinuna ng Commission on Audit o COA ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) dahil sa pagkakaantala ng mga proyekto sa apat na paliparan sa Visayas region.
Batay sa 2017 audit report ng COA, tinukoy nito ang labing limang infrastructure project sa mga paliparan sa Kalibo, Aklan, Bacolod, Iloilo at Roxas.
Sa kabuuan, nagkakahala ang mga proyekto ng P123.500 million.
Kabilang sa mga naantalang ipatayo ng CAAP ay ang cargo building, fire station building, waiting area, control tower, water drainage system at iba pa.
Kasama rin sa mga naantala ang mga tinatawag na non-infrastructure project tulad ng runway, repair, pagpipintura at maintenance works.
Facebook Comments