PINUNA | DILG – pinuna ng COA dahil sa mga programa nitong hindi natuloy kahit napondohan

Manila, Philippines – Pinuna ngayon ng Commission on Audit ang Department of Interior and Local Government (DILG) dahil sa ilang programa nito na hindi umano natuloy kahit pinondohan na ng gobyerno.

Matatandaang inilunsad noon ng DILG ang programang “mamamayang ayaw sa anomalya, mamamayang ayaw sa iligal na droga” o masa masid para makatulong sa kampanya ng administrasyon laban sa iligal na droga at kriminalidad.

Pero sa 2017 report ng COA, lumalabas na kinulang ang DILG sa pagpapatupad ng nito.


Nasa P500-milyong piso raw kasi ang pondong inilaan sa masa masid pero walong programa sa ilalim nito ang hindi natuloy.

Paliwanag ni DILG Asec. John Malaya – inilipat kasi nila ang pondo para rito sa anti-corruption at counter extremism training, alinsunod na rin sa payo ng mga Senador.

Kinuwestyon din ng COA ang DILG sa hindi nito pagsusumite ng physical at financial accomplishment report sa dalawang programa nito na may pondong P93-million.

Kabilang dito ang pagtatayo ng Barangay Anti-Drug Abuse Council o BADAC.

Pero sabi ni Malaya, hindi naman tamang sabihin na wala silang nagawa dahil nitong mayo na natapos ang programa nila sa BADAC.

Isinumite na ng DILG sa COA ang status report ng ilan nilang proyekto.

Nagpapatuloy naman daw ang mga programa ng ahensya na inaasahang matatapos sa 3rd quarter ng 2018.

Facebook Comments