PINUNA | Gobyerno, mayroong 720,000 contractual workers – ayon sa grupong COURAGE

Manila, Philippines – Pinuna ng isang samahan ng mga government employees ang pamahalaan dahil hindi nito isinama ang sarili sa listhan ng mga kumpanyang nagsasagawa ng labor-only contracting.

Ayon sa grupong Confederation for Unity, Recognition and Advancement of Government Employees (COURAGE) – ang gobyerno ay mayroong mahigit 720,000 contractual workers.

Sabi ni COURAGE President Ferdinand Gaite – karamihan sa mga mangagawa na nagtatrabaho sa gobyerno ay mga kontraktwal.


Kaya, ipinapanukala nila ang pagkakaroon ng batas kung saan magiging regular ang isang government employee sa pagkatapos ng anim na buwan.

Nabatid na aabot sa halos isang milyong kumpanya sa buong bansa ang nagsasagawa ng illegal contratualization kung saan nanguna sa listahan ang fast food giant na Jollibee Foods Corporation na may halos 15,000 kontraktwal na manggagawa.

Facebook Comments