PINUNA | Grupo ni Bong Go na sumama sa paghahain nito ng COC, posibleng lumabag sa Comelec

Manila, Philippines – Pinuna sa paghahain ng Certificate of Candidacy o COC si Special Assistant to the President Bong Go dahil sa tila pagsuway ng kaniyang grupo sa patakaran ng Commission on Election (Comelec).

Batay sa rules ng Comelec, hanggang apat lang ang maaaring kasama ng maghahain ng COC.

Pero giit ni Go, tanging pagsuporta lang ang binigay sa kaniya ni Pangulong Rodrigo Duterte kaya naroon rin ito sa Comelec nang maghain siya ng COC.


Sabi naman ni Comelec Spokesperson James Jimenez, iimbestigahan nila kung paanong nakapasok ng mahigit sa 20 taga suporta ni Go sa loob ng tanggapan maliban sa entourage nito.

Facebook Comments