PINUNA | Hindi pagbili ng NFA ng sapat na palay buffer stock, kinuwestyon

Manila, Philippines – Maraming dapat ipaliwanag ang National Food Authority (NFA) kaugnay sa nangyayari ngayong krisis sa bigas sa bansa.

Una rito, kinuwestiyon ng Department of Finance (DOF) kung bakit hindi bumili ng sapat na palay buffer stock ang NFA kahit sapat naman ang pondo para rito.

Ayon kay Finance Assistant Secretary Paola Alvarez, may 5.10-billion pesos na subsidiya ang NFA mula sa gobyerno kung saan 3.1-billion pesos ang ginamit umanong pambayad-utang sa national treasury.


Ibig sabihin, may 2.9-billion pesos pa na aniya ay sapat naman para makabili ng buffer stock ang NFA.

Pero base sa monitoring ng DOF 6,331 metric tons lang ng bigas ang binili ng NFA na malayong-malayo sa estimate na 22,562 metric tons na isinumite nito sa DOF noong May 2017.

Kailangan din umanong ipaliwanag ng NFA kung bakit 94 percent ng binili nilang bigas ay imported at anim na porsiyento lang ang local rice gayong 68/32 (imported/ local) ang mix rice procurement na isinumite nito sa DOF.

Giit pa ni Alvarez, hindi nagkulang ang gobyerno para maibigay sa NFA ang mga kailangan nitong pondo sa pagbili ng palay.

Nakikipag-ugnayan na ang DOF sa mga mambabatas para masolusyunan ang problema.

Facebook Comments