PINUNA | Kawalan ng aksyon ng Pangulo sa problema sa bigas, pinuna ng isang consumer group

Manila, Philippines – Pinuna ng grupong Bantay Bigas ang kawalan ng aksyon ni Pangulong Rdorigo Duterte sa problema sa bigas sa bansa.

Ayon kay Bantay Bigas Spokesperson Cathy Estavillo, masyadong tahimik ang Pangulo sa patuloy na pag-taas ng presyo ng bigas, kakulangan ng supply nito at mga bukbok na nakita sa mga inangkat na bigas.

Aniya, ang mga palpak na polisiya at patakaran ng Pangulo ang nag-di- destabilize sa food security ng bansa.


Batay sa tala aniya ng Philippine Statistic Authority (PSA), 31 beses nang nagtaas ang presyo ng bigas hanggang nitong unang bahagi ng Agosto.

Facebook Comments