PINUNA | Mabagal na pag-usad ng manual recount sa Vice Presidential race, inupakan ni dating Sen. Bongbong Marcos

Manila, Philippines – Pinuna ni dating Sen. Bongbong Marcos ang aniya ay mabagal na pag-usad ng manual recount kaugnay ng kanyang election protest laban kay Vice President Leni Robredo.

Si Marcos ay nagtungo kanina sa Korte Suprema para silipin ang revisors at ang takbo ng bilangan.

Itinaon ni Marcos ang muling pagdalaw sa Presidential Electoral Tribunal dalawang taon matapos ang May 9, 2016 national elections.


Ayon kay Marcos, Dalawang taon na ang nakakalipas pero hindi pa umuusad ang kanyang protesta sa Supreme Court (SC) na tumatayong Presidential Electoral Tribunal (PET).

Aniya, masyadong matagal ang dalawang taon para malaman ng taong bayan ang tunay na resulta ng halalan at kung sino talaga ang nanalo sa vice presidential race.

Sinabi ni Marcos na pinag-aaralan din nila kung may maitutulong ang kanyang kampo para mapabilis ang recount at matapos ito sa lalong madaling panahon.

June 2016 nang maghain ng election protest sa Korte Suprema si Marcos laban kay Robredo.

Facebook Comments