PINUNA | NEDA, inupakan ng ALU-TUCP dahil sa ipinalabas na datos sa cost of living

Manila, Philippines – Pinag pa-public apology ng Associated Labor Unions-Trade Union Congress of the Philippines (ALU-TUCP) ang National Economic and Development Authority (NEDA) sa ipinalabas nitong panukatan sa daily cost of living para sa isang pamilya na mayroong limang miyembro.

Ayon kay ALU-TUCP Spokesperson Allan Tanjusay, malaking pagkakamali ang statistics ng NEDA na nagpapakita na 127 pesos lamang kada araw ang kailangan ng pamilya na may limang na miyembro para makabili ng disenteng pagkain.

Aniya, huwag gawing estatistika ang pang araw-araw na buhay ng mga naghihirap na Pilipino dahil trabaho ng NEDA na tumulong para iangat ang kalidad ng buhay ng mga mahihirap na Pilipino.


Hinamon ni Tanjusay ang NEDA na mamalengke sa mga mahihirap na lugar para mailapat sa reyalidad ang kanilang ipinapalabas na mga datos.

Para sa ALU-TUCP, nasa 800 hanggang one thousand pesos ang kailangan kada araw ng pamilya na may limang miyembro para matugunan ang pangangailangan sa disenteng pagkain.

Facebook Comments