Pinuna ng makabayan sa Kamara ang pagiging racist ng publiko dahil sa sakit na novel corona virus

Images from a thermal imaging scanner are pictured on a computer screen at Bali's international airport.

Ito ay kahit pa kilalang tutol ang makabayan sa China dahil sa panghihimasok at pangaagaw sa West Philippine Sea.

Giit ni Bayan Muna Rep. Carlos Zarate, hindi rin tama na isipin ng mga pilipino na lahat ng mga Chinese ay may sakit na nCov.

Hindi rin aniya solusyon ang gusto ng ilan na huwag ng papasukin ang mga Chinese sa bansa dahil hindi naman nakasisigurong maiiwasan talaga ang nakakahawang sakit lalo’t kumalat na rin ang nCov sa maraming bansa.


Sinabi ni Zarate na ang dapat gawin ng gobyerno ay maging pro-active at bantayan hindi lamang mga Chinese kundi lahat ng lahi pati na rin ang mga kababayan.

Facebook Comments