Manila, Philippines – Naniniwala si Vice President Leni Robredo na ang ginawang pag-amin ni Pangulong Rodrigo Duterte na kasalanan niya ang extrajudicial killings (EJK) ay patunay na nangyari ito sa ilalim ng war on drugs.
Sa programang Biserbisyong Leni ng DZXL RMN Manila sinabi ni Robredo na pinagtibay lamang ng Pangulo ang pahayag ng mga tumutuligsa na marami ang nangyaring pagpatay na labag sa batas.
Pinuna rin ni Robredo ang pagdepensa at paglinaw ng Malacañang sa pahayag ng Pangulo kung saan sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na walang ginawang pag-amin ang Pangulong Duterte.
Aniya, insulto ito sa mga pamilya na nawalan ng mahal sa buhay dahil sa EJK.
Dahil dito, maaring gamitin ang pahayag ng Pangulo bilang ebidensya at suporta sa mga reklamong isinampa laban sa kanya sa International Criminal Court (ICC).
Maari ring gamitin ito bilang ground for impeachment.