Manila, Philippines – Pinuna ng Commission on Audit (COA) ang National Food Authority (NFA) dahil sa paggastos nito ng ₱5.1 billion na para sa food security program ng ahensya.
Gagamitin sana ang pondo sa pagtatag ng presyo at supply ng bigas at mais.
Sa halip, ay napunta ang pera sa pagbabayad ng utang.
Kabilang dito ang higit ₱2 billion pesos na ibinayad sa utang sa Landbank of the Philippines at sa Development Bank of the Philippines.
Giit ng NFA, kailangang bayaran nila ang utang nila sa dalawang bangko para mabawasan ang kanilang gastos sa interes at documentary stamp tax.
Tugon naman ng COA, dahil sa maling paggamit ng pera ay posibleng makompromiso ang food security program ng ahensya.
Facebook Comments