PINUNA | Pagkakamali ng PDEA sa ilang anti-illegal drugs operation sa ARMM, inupakan ng isang biktima

Inupakan ngayon ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) dahil sa pagkakamali sa operasyon nito sa Datu Odin Sinsuat, Maguindanao.

Ito ay matapos na magkamali ang ahensya na iugnay sa droga ang isang may ari ng isang optical clinic sa Datu Odin Sinsuat Maguindanao na hindi na dapat maulit pa ang pagkakamali sa kanilang operasyon laban sa ilegal na droga.

Mismong korte na ang naglinis sa pangalan ni Ginang Vicky Sinsuat Sangkigay ng Barangay Semba.

Batay sa limang pahinang joint resolution ng Office of the Provincial Prosecutor, nabigo ang PDEA-ARMM na patunayan ang kanilang alegasyon kay Sangkigay at walang naipakitang mabigat na basehan para madiin ito sa kaso.

Binigyan bigat ni Deputy Provincial Prosecutor OIC Tocod Ronda ang testimonya ng testigo na tinaniman ng illegal drugs ang bahay ni Sangkigay ng magsagawa ng raid ang PDEA agents.

Disyembre 13,2017 ng salakayin ng grupo ni PDEA ARMM agent Fim Anthony Naive ang bahay ni Sangkigay sa bisa ng search warrant na inisyu ni Cotabato City RTC Branch 13 executive Judge Bansawan Ibrahim Alhaj.

Nang walang makuhang illegal drugs, nakita umano ng anak ni Vicky na si Sharice na nagtanim ng 3 sachet ng pinaghihinalaang shabu sa kanilang cabinet ang isa sa raiding team na nakasuot ng bonnet.

Kahit sinita na ng batang Sangkigay ang ginawa ng PDEA agent, hindi siya pinakinggan at sinamsam ang ilang kagamitan tulad ng baril at pera na higit sa 2.9na milyong piso .

Kasabay ng pagbasura sa kaso, ipinag-utos din ni Judge Ibrahim sa PDEA ang pagbalik sa lahat ng kinumpiskang kagamitan at pera ni Sangkigay.

Facebook Comments