Pinuna ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Commission on Audit (COA) matapos magsumbong si Ilocos Norte Governor Imee Marcos sa paghihigpit ng COA para sa pagbili ng mga pangangailangan ng lalawigan.
Ayon sa Pangulo, ayaw niya ng lowest bid dahil dito nagsisimula ang korapsiyon at nakokompromiso ang kalidad ng serbisyo sa taumbayan.
Agad namang ipinagtanggol ni Presidential Spokesman Harry Roque ang Pangulo.
Paliwanag ni Roque, marami kasing limitasyon ang COA gayong dapat ay hayaan munang maibigay ang pangangailangan ng taumbayan bago harapin ang mga requirements ng COA.
Facebook Comments