PINUNA | Senator Pimentel, hindi kwalipikadong maging re-eleksyunista sa 2019 elections – Senator Trillanes

Manila, Philippines – Naniniwala si Senator Antonio Trillanes IV na hindi na kwalipikadong kumandidato muli sa pagkasenador sa 2019 elections si Senate President Koko Pimentel.

Sa kanyang post sa twitter ay ikinatwiran ni Trillanes na malinaw sa konstitusyon na hanggang dalawang termino lamang ang bawat senador.

Ito aniya ay kahit pa ipinupunto ni Pimentel na kulang kulang dalawang taon lang naman ang napagsilbihan niya sa kanyang unang termino.


Giit ni Trillanes, hindi maaring gawing basehan ni Pimentel ang pagpapahintulot ng konstitusyon sa Pangulo na muling kumandidato kapag mas mababa sa apat na taon ang napagsilbihan nito sa dapat ay anim na taong termino.

Facebook Comments