PINUNA | SPDA, kinuwestyon ng COA

Kwinestyon ng Commission on Audit (COA) ang Southern Philippines Development Authority (SPDA) matapos madiskubreng nagkakahalaga lang ng piso ang kada lupain ng gobyerno sa Mindanao.

Ayon sa COA, P10 lang ang kinita ng gobyerno para sa 10 lupain na may sukat na 24,145 hektarya.

Anila, nalugi ang SPDA ng P9.527 million.


Nabatid na una nang pinuna ng COA ang SPDA pero wala itong ginawa.

Ang SPDA ay isang government-owned and controlled corporation na mag-develop ng southern Philippines sa pamamagitan ng pagbili at pagrenta ng mga real property.

Dahil dito, inirekomenda ng COA ang pagsasaayos ng mga lupain sa Mindanao para malagyan ng tamang halaga at titulo.

Facebook Comments