Pinuno ng 5th Infantry Division, Hinamon ang mga Bagong Sundalo!

Cauayan City, Isabela- Hinamon ni MGen. Pablo Lorenzo, pinuno ng 5th Infantry Division ang mga bagong sundalo na naitalaga sa kanilang assignments sa Batalyon at Recon Company.

Sa ibinahaging impormasyon ni SSgt Jake Lopez ng 502nd Infantry ‘Liberator’ Brigade, nasa 317 na mga Privates at 16 na 2LT ng Class 580 o MAGLIYAB (Magsama-habang Lilingkod Yakap ang Bayan); at Class 581 o ALIBTAK (Alagad ng Lahing Ibinigkis ng Tapang at Kagitingan) ang bagong kasama ng 5ID.

Ang bagong pangkat na ito ng mga opisyla at privates ay magiging katuwang ng 5th ID na wakasan ang End Local Communist-Armed Conflict (ELCAC) at insurhensya sa Lambak ng Cagayan at Cordillera Administrative Region (CAR).


Ayon kay MGen. Lorenzo, sinabi nito sa mga bagong talaga na simulan ang kanilang paglalakbay sa pamamagitan ng paggawa at pagbibigay ng kanilang makakaya sa kanilang papel at responsibilidad sa kani-kanilang yunit.

Pinayuhan din niya ang mga ito na gawin ang kanilang mga natutunan upang mapanatili ang kaayusan at kapayapaan sa buong nasasakupan ng 5ID.

Binigyang diin din ng Commander ang pananalig sa Diyos na magsisilbing gabay sa kanilang paglilingkod sa komunidad.

Facebook Comments