Pinuno ng apat na komite na bubuo sa House Quad Committee ngayong 20th Congress, kumpleto na

Kumpeto na ang lahat ng pinuno ng apat na komite na bumubuo sa House Quad Committee na magpapatuloy ngayong 20th Congress.

Ito ay matapos ihalal ng House of Representatives si Bicol Saro Party-list Rep. Terry Ridon bilang chairman ng Committee on Public Accounts.

Unang inihalal ng Kamara si Manila 2nd District Rep. Rolando Valeriano bilang pinuno ng Committee on Public Order and Safety; at si Bukidnon 2nd District Rep. Jonathan Keith Flores bilang chairman ng Committee on Dangerous Drugs.

Mananatilil naman ang pamumuno ni Manila 6th District Rep. Bienvenido Abante Jr., sa Committee on Human Rights.

Ang Quad Comm ay nagsimula sa nagdaang 19th Congress na nagsagawa ng imbestigasyon sa ilegal na droga, ilegal na operasyon ng POGOs, at extrajudicial killings o EJKs sa panahon ng war on drugs ng Duterte administration.

Facebook Comments