Nagpositibo sa COVID-19 ang pinuno ng Caritas Manila at Radio Veritas na si Reverend Fr. Anton CT Pascual.
Naka-confine ngayon sa Cardinal Santos Medical Center si Fr. Pascual habang naka-quarantine ang ilan pang kawani ng Caritas Manila na nagpositibo rin sa virus.
Kaugnay nito, nanawagan ng panalangin sa publiko ang dalawang institusyon para sa agarang paggaling ni Fr. Pascual at iba pa nitong empleyado.
Samantala, Isinailalim na sa lockdown ang opisina ng Caritas Manila sa Jesus Street, Pandacan, Maynila simula kahapon, March 20 hanggang March 28 para bigyang-daan ang pagsasagawa ng disinfection.
Sa kabila nito, tiniyak ng Caritas Manila na patuloy silang maghahatid ng serbisyo lalo na sa mga apektado ng pandemya.
Matatandaang sa pamumuno ni Fr. Pascual, naging aktibo ng Caritas Manila sa pagtugon sa mga pangangailangan ng mga naapektuhan ng COVID-19 pandemic sa pamamgitan ng pamimigay ng COVID-19 kits, P1.5 bilyong halaga ng gift certificates at “Caritas Manna packs” sa 9.8 milyong indibidwal.