Pinuno ng Commission on Women, nagbitiw sa pwesto

Nagbitiw sa pwesto si Philippine Commission on Women (PCW) Chairperson Rhodora Bucoy.

Si Bucoy ay itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Oktubre 2016 para pangunahan ang ahensyang nagsusulong ng gender equality at paglaban sa karapatan ng mga kababaihan.

Sa statement ng PCW, nagpasa na si Bucoy ng kanyang resignation nitong Martes, July 7.


Itinanggi rin ng Komisyon na sinibak siya ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa ngayon, wala pa silang natatanggap na anumang appointment papers para sa bagong Chairperson mula sa tanggapan ng Pangulo.

Nabatid na nagsilbing retired associate professor ng political science at gender studies si Bucoy sa University of the Philippines (UP) Cebu.

Isinulong niya ang gender-fair curriculum sa K-to-12 program ng Department of Education (DepEd).

Tumulong si Bucoy sa pagtatatag ng Sidlak Gender Resource Center sa Central Visayas.

Nagsilbi siyang vice president ng United Nations University Regional Center of Expertise on Education for Sustainable Development sa Cebu.

Nahalal din siya para pangunahan ang review ng United Nations resolution on advancing women’s rights noong 2019.

Facebook Comments