Cauayan City, Isabela- Pinangunahan mismo ni Dr. Glenn Mathew Baggao, medical center chief ng Cagayan Valley Medical Center (CVMC) ang pagtanggap ng COVID-19 vaccine booster shot ngayong araw, Nobyembre 17, 2021 na sinundan ng ilang pang doctor at nurses ng nasabing ospital.
Umaabot sa 60 na medical frontliners ang unang nabigyan ng booster shot na Pfizer.
Inaasahan namang isusunod na tuturukan ng booster shot ang mahigit 2400 medical frontliners ng CVMC.
Nagpapasalamat naman si Dr. Baggao sa kanilang pagtanggap ng booster shot na matagal na rin nilang hinihintay.
Nararapat lamang aniya na sila ay mabigyan ng booster shot dahil sila ay exposed sa mga COVID-19 patients.
Samantala, ikinatuwa ni Dr. Baggao ang pagbaba ngayon ng bilang ng mga pasyenteng positibo sa COVID-19 na kasalukuyang naka-admit sa naturang ospital.
Muli rin nagpaalala sa publiko ang Doktor na sa kabila ng pagbaba ng kaso ng COVID-19 sa rehiyon ay huwag pa rin magpakampante hanggat hindi pa nakakamit ang herd immunity.