Pinuno ng Japan at South Korea, naka-alis na rin ng bansa

22

Manila, Philippines – Bago mag-alas onse kanina umalis na rin ang lider ng Japan habang alas-onse pasado naman umalis ang pinuno ng South Korea matapos ang kanilang pagdalo sa ASEAN Summit sa bansa.

Sakay ng Japan Air Force si Japanese Prime Minister Shinzo Abe habang sakay din ng South Korea Air Force One si South Korean President Moon Jae-in.

Kabilang sa mga naghatid sa dalawang lider sina Transportation Sec. Arthur Tugade, MIAA general Manager Ed Monreal at mga kinatawan ng South Korean at Japanese Embassies.

Una nang umalis kaninag umaga ang mga lider ng Timor Leste, New Zealand ,Myanmar, Cambodia,at Singapore
Alas onse naman bukas ng umaga ang departure ni Chinese Prime Minister Li Kequiang

Facebook Comments