Magpupulong sa ika-1 ng Hunyo sina Senate President Vicente Sotto III at House Speaker Lord Allan Velasco upang talakayin ang mga prayoridad na panukalang batas ng Kongreso at nalalapit na State of the Nation Address (SONA).
Ayon kay Sotto, pangunahin sa kanilang tatalakayin ang nilalalaman ng nakaraang SONA ni Pangulong Rodrigo Duterte at ang panukalang batas na uunahin ng 18th Congress.
Paliwanag pa ng senador, ilan sa magiging prayoridad ng Senado ay ang;
– Pagbubuo ng Department for Overseas Filipinos;
– Hybrid Election Act;
– Pagtatayo ng Disease Prevention and Control Authority;
– National Land Use Act;
– E-Governance Act;
– Boracay Island Development Authority;
– National Housing Development Act;
– Amyenda sa Continuing Professional Development Act of 2016;
– At ang Internet Transactions Act.
Ilan naman sa prayoridad ng mga mambabatas ang:
– Panukalang Military and Uniformed Personnel Services Separation, Retirement, and Pension Act;
– Amendments sa Retail Trade Liberalization Act of 2000;
– Magna Carta of Barangay Health Workers;
– Increasing age of statutory rape;
– Expanded Solo Parents Welfare Act;
– Amendments sa Public Service Act;
– Potable Water Supply for Every Barangay; at
– Paglikha ng Presidential Drug Enforcement Agency