
Nagbitiw na rin sa pwesto ang Presidente at Chief Executive Officer (CEO) ng Maharlika Investment Corporation (MIC) na si Rafael Consing Jr.
Ayon kay Consing, nagsumite siya ng kaniyang qualified courtesy resignation kahapon.
Ang MIC ay itinatag sa ilalim ng Republic Act 11954 na siyang mangangasiwa ng Maharlika Investment Fund na kauna-unahang sovereign wealth fund ng Pilipinas.
Mandato nitong lumikha ng pangmatagalang kita mula sa mga strategic investment ng bansa para patatagin ang national assets at makatulong na makalikha ng mga trabaho at paghusayin ang pamantayan ng pamumuhay ng mga Pilipino.
Facebook Comments









