Pinuno ng MMDA, magsasagawa ng inspeksyon sa iba’t ibang lugar sa Metro Manila na magsasagawa ng pagpababakuna at magbibigay ng ayuda

Titiyakin ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Benhur Abalos na mababakunahan at mabibigyan ng ayuda ang lahat ng mga apektado ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa kanyang gagawing na pag-iikot sa ilang mga Local Government Unit (LGU) sa Metro Manila para personal na makita ang vaccination rollout at ayuda distribution.

Ayon kay Abalos, ang unang pupuntahan niya ay ang AMC Gym sa Brgy. San Roque upang tingnan kung nasusunod sa health protocols ang gagawing vaccination sa covered court ng Brgy. Magtanggol sa Municipality ng Pateros, Metro Manila.

Pagkatapos ng Pateros, tutungo si Abalos sa isang court sa Manggahan Elementary School sa Pasig City kasama si Mayor Vico Sotto para tingnan ang pagbibigay ng ayuda at pagbabakuna.


Tutuloy naman ang pinuno ng MMDA sa Quezon City kasama si Mayor Joy Belmonte sa Batasan National High School at Pres. Corazon Aquino Elementary School upang inspeksyunin kung nasusunod ang ipinatutupad na health protocols sa pamamahagi ng ayuda at vaccination.

Facebook Comments