Pinuno ng NCRPO, kinansela ang pagbibisita sa mga paaralan ngayong araw

Nilinaw ngayon ng pamunuan ng National Capital Region Police Office (NCRPO) na ang dahilan sa pagkansela ng pagsasagawa ng pamahagi ng mga school supplies at pagbisita sa mga paaralan ni NCRPO Acting Regional Director PBGen. Jonnel Estomo sa mga public schools sa NCR na may kaugnayan sa Balik-Eskwela S.Y. 2022-2023 ay dahil sa pinapatatawag siya sa Kampo Krame.

Una rito, nagbigay ng Media Advisory ang NCRPO na inanyayahan ang lahat ng mga Media Personalities na magkober sa gagawing pagbisita sana ni Estomo sa mga pampublikong paaralan sa NCR at pinayuhan na magreport sa harapan ng Regional Director’s Quarters, sa Camp Bagong Diwa, Taguig City alas 5:00 ng umaga upang sumama sa coaster bus na susundan ng convoy ni Estomo.

Pero sa hindi inaasahang pangyayari ay humihingi ng paumanhin o pasensiya ang NCRPO sa lahat ng media na hindi na matutuloy ang pagbibisita ni PBGen. Estomo dahil pinatatawag siya sa Kampo Krame kaya’t inatasan nito ang mga mamamahayag na makipag-ugnayan nalamang sa district PIOs para sa coverage ng Balik Eskwela 2022 sa pagbibigy ng seguridad at pagpapakalat sa mga pulis sa kanilang Area of Responsibilities.


Hiniling ng Acting Regional Director sa media na i-highlight ang kanilang mga personnel sa ground na nagbibigay ng seguridad sa mga paaralan.

Facebook Comments