*Cauayan City,Isabela*- Boluntaryong isinuko ng lider ng NPA at binansagang ‘Kumander Marlboro’ ang kanyang sarili sa mga awtoridad matapos nitong maisip na walang maidudulot na mabuti ang kanyang patuloy na pakikibaka laban sa gobyerno.
Ayon kay alyas Marlboro, ilang dahilan din ay ang pangungulila nito sa kanyang pamilya ang nagtulak sa kanya upang magbalik loob sa pamahalaan at muling makapiling ang kanyang pamilya.
Isinuko ni Alyas Marlboro na pinuno ng Sub-Committee Central Front ang kanyang sarili sa kasundaluhan ng 95th Infantry Batallion at kapulisan at inamin nito na sila ang grupo na nagpapagala-gala sa Bayan ng San Mariano, Benito Soliven at Siyudad ng Ilagan.
Ayon kay alyas Marlboro, tatlong taon siyang nanungkulan sa kilusan at napagod na rin kaya’t nagpasya ito na iwanan na ang mga kasamahan at kanya ring isinuko ang dalawang (2) M-16 armalite riffle, mga pampasabog at mga subersibong dokumento.
Pinasalamatan naman ni BGen.Laurence Mina pinuno ng 502nd Brigade si Marlboro dahil sa ginawa nitong pagsuko at pagyakap sa programa ng pamahalaan lalo na ang R-CLIP ng gobyerno.