PINURI | Anne Curtis, inihalintulad kina Vilma Santos at Nora Aunor

Manila, Philippines – Pinuri ni Direk Erik Matti ang pagiging isang tunay na aktres ni Anne Curtis.

Sa kanyang instagram post, ibinahagi nito ang larawan ni Anne sa isang eksena ng pelikula nilang “Buybust” kung saan inihalintulad niya ang aktres sa mga award-winning veteran actress na sina Vilma Santos at Nora Aunor.

Aniya, sobrang cooperative at hindi nagreklamo si Anne sa mga mabibigat na eksenang ipinagawa nila dito gaya ng pagkaladkad sa kanya sa lamesang punung-puno ng mga babasagin at pagsindi sa kanya ng apoy nang walang body double.


Para kay Direk Erik, memorable ang mga artistang bukas sa lahat ng roles at eksena hindi gaya ng iba na mas ginugugol ang panahon sa harap ng salamin kasay gawin ang isang actual scene.

Sobrang na-touch naman si Anne sa naging papuri ng direktor.

Facebook Comments