Manila, Philippines – Pinuri ng mga pinuno ng Sandiganbayan at Office of the Ombudsman ang pagkakatalaga kay Teresita de Castro bilang bagong Supreme Court Chief Justice.
Ayon kay Ombudsman Samuel Martires – itinuturing niyang ‘First Lady Chief Justice’ si de Castro.
Sobrang ikinagagalak ni Martires ang appointment ni de Castro at nararapat talaga sa kanya ang pwesto.
Aniya, si de Castro ay mahigipit sa trabaho pero compassionate.
Sinabi naman ni Sandiganbayan Presiding Justice Amparo Cabotaje-Tang – nakaka-proud lalo at sa kanilang Korte nanggaling si de Castro.
Facebook Comments