PINURI | Mga atletang Pinoy na nakasungkit ng medalya sa Asian Games, binati ng Malacañang

Manila, Philippines – Nagpaabot ng pagbati ang MalacaƱang sa mga atletang nanalo ng medalya sa 18th Asian Games sa Indonesia.

Binabati ng Palasyo sina Dustin Jacob Mella, Jordan Dominguez at Rodolfo Reyes Jr. dahil sa pagkakasungkit ng bronze medal sa taekwando poomsae.

Binati rin ng Malakanyang sina Juvenille Fay Crisostomo, Rinna Babanto at Janna Dominique Oliva na nanalo rin ng bronze medal sa taekwondo poomsae womens division.


Kasabay nito, nagpaabot din ang Malakanyang ng best of luck sa iba pang atleta ng team Pilipinas na nakikipaglaban sa Asian Games.

Facebook Comments