Manila, Philippines – Pinuri at pinasalamatan ng mga Senador ang pagpirma ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Republic Act No. 11036 o ang Philippine mental health law.
Giit ni Senate President Tito Sotto III dapat maipatupad na agad ang nabanggit na batas.
Tiwala si Senator JV ejercito na tugon ang batas sa tumataas na kaso ng depresyon at bilang ng nagpapakamatay sa bansa.
Umaasa naman si Senator Win Gatchalian na maibibigay na sa mga nagtataglay ng mental illness ang tama at nararapat na atensyong medikal, pag-aalaga at pang-unawa.
Positibo si Senator Risa Hontiveros na magiging daan ang bagong batas para bahagi ng polisya ng pamahalaan na maipaloob ang mental health case sa public healthcare system ng bansa.
Bunsod nito ay muli namang nanawagan si Senator Sonny Agnara sa Philhealth na saklawin na rin ang psychiatric consultations at mga medisina.